may kwento ako
sari-saring istoryang nagbunga sa pagmumuni-muni
Wednesday, April 11, 2012
Pera
| What do you think? |
Monday, October 17, 2011
irregular student times ten to the negative twenty-third power! (part 3-emo version)
- Gigising, magsisipilyo, mag-aalmusal, manananghalian, magmimiriyenda, maghahapunan, manonood ng tv, maliligo, tatae, maglilinis ng bahay, makikinig ng musik, magiinternet, atbp. nang kabado't di mapakali.
- Walang oras na hindi ko ipagdadasal na pumasa ako sa lahat ng subjects ganun din ang bawat isa sa amin sa klase.
- Set a time for prayer. Mahalaga iyon para makausap ko si Lord nang taimtim at one-on-one, para na rin lubos kong maintindihan kung ano'ng plano Niya sa akin.
- A day before the release of grades, "the moment of truth", nagpapakasaya na ako --- labis na panunuod ng mga pelikula, pagsasayaw at pagjoke time sa bahay. Tawa-tawa lang dapat.
- Sa araw ng release of grades, mataimtim na nagdarasal at inihahanda ang sarili sa pagtingin ng grades kinabukasan ng gabi bago matulog.
- Maraming katanungan sa sarili at sa tadhana. Never question God.
- Puro iyak hanggang sa hindi na makahinga hanggang sa wala na akong mailabas na luha at hanggang sa sumakit na ang ulo ko, tipong binabasag na yung skull ko.
- Sasabihin kay ate, na talaga namang nakatutulong magpagaang sa aking mabigat na dinadala.
- Talk with ate. Hindi mawawala ang conversation, tiyak iyan! Umaabot pa ng mahigit isang oras kapag heart-to-heart talk talaga.
- Kaunting pag-iisip (magulong paglalaban ng aking good conscience at bad conscience - sabi ni good conscience tanggapin ko ang nangyari, sabi ni bad conscience magalit ako kay Lord). Kaunting pag-iisip lang kasi masakit na ang ulo ko kakaiyak at sa stage na ito'y dadalawin na rin ako ng antok.
- Mananalo si bad conscience; puro katanungan. "Why did You let this happen?", "You told me You very well know the plans You have for us! Is this Your plan for me? Asan na yung pinangako Mong bright future?" Puro galit, sama ng loob.
- Ang tulog ko paputol-putol at sa aking bawat paggising, humahagulgol ako, naghahanap ng karamay pero pakiramdam ko ako lang mag-isa sa battlefield.
- Kinaumagahan, tulala at hindi alam kung paano dadalawin ng katapangang sabihin na kina tatay at nanay ang sinapit kong kamalasan.
- Talk with ate PART 2. Realizations.
- Magkakaroon ng courage para sabihin sa ilan sa mga pinakapinagkakatiwalaan kong kaibigan.
- Realizations PART 2. Understanding that I still have purpose in this world kasi mahal ako ni Lord at hanggang buhay ako, hindi pa natatapos ang journey ko sa earth.
- Reaching out to the Lord. Accepting His will.
- Pagplano kung ano ang mga kailangan kong gawin and realizing that I'm getting stronger (dito ko makikitang kinailangan kong madapa para matutong maging malakas).
- Talk with ate PART 3. Pagsulat sa blog para ma-release ang stress (kaya kung mapapansin niyo, lahat ng kwento ko tungkol sa pagbagsak ng subject, andito sa blog hehe) - so klaro naman, andito na ako sa stage na ito right now.
- THE HARDEST AND MOST PAMATAY OF ALL STAGES - Sasabihin na sa parents ang masaklap na katotohanan. Sa stage na ito, kailangan ko ng complete strength para harapin yung mga hindi ko kayang makitang reaksyon at statements nila nanay at tatay. Ito yung stage na kailangan paghandaan talaga. Kailangan ng strength, honesty at siyempre pagpapakumbaba dahil bilang anak, binigay na sa'kin ng mga magulang ko ang lahat ng klaseng suportang maibibigay ng magulang sa isang anak - nahihirapan akong bumiyahe, pinagdorm nila ako; hindi ako bumibili ng pagkain pagnasa dorm kasi maspinipili kong magtipid at mag-ipon, tuwing umaga dadalhan nila ako ng almusal; bayarin sa dorm, check; excess bills sa kuryente sa dorm, check; at tuition fee, check! Tapos lagpak na grades ang igaganti ko sa kanila? Ano ba 'kong klaseng anak? Kahit ako hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang mga grades ko. :(
- Moving on/ adjustment stage, kung sa'n haharapin ko na ang buhay bilang ireg.
| What do you think? |
irregular student times ten to the negative twenty-third power! (part 2)
Ang sakit talaga dahil yung dalawang yun pre req ng biosem at biochem. So I guess di ko na kayo magiging classmates next sem. Ako, mabubuhay bilang irregular student at kayo, magpapatuloy sa inyong journey. I'm happy dahil magkakasama pa rin kayo. Don't worry, sa tingin ko naman magiging ok din ako although di ko alam kung pa'no. Prayers niyo nalang ang hihingin ko, mga friends. And i hope na magkaro'n pa rin tayo ng bonding moments kahit na (huwag naman sana) di ko na kayo magiging classmates.Right now, I feel so alone. Kapag nakikita ko lahat ng mga status ng B7, lahat masasaya sa grades. I'm happy for all of you especially sa inyong apat kasi kayo yung mga pinakamalapit sa'kin. Hay.. I dont have the guts to tell my parents kasi though alam kong maiintindihan nila, it's not enough na intindihin lang nila. Gusto ko nga sana sampalin nila ako at idisown nila ako kasi i totally deserve to be punished. Im not the same Joana nung high school. Ngayon hindi ko alam kung sa'n patungo yung path ko. Im not even sure sa career na kinukuha ko. Buti nalang nga rin andito si ate, siya yung kausap ko sa mga nakalipas na tatlong araw na halos lagi nalang akong binabangungot dahil sa sinapit ko.
Hihingi lang sana ako ng advice kung ano sa tingin niyo dapat kong gawin. Mahalaga kasi ang opinion niyo sa akin. Ipursue ko pa rin ba ang bio o umalis na 'ko? I need your honest opinion.

Kung ako kasi ang tatanungin, gusto ko nang umalis sa ust... Ang hurtful kasi para sa'kin kapag naiisip kong nagbbiochem na kayo tapos makikita niyo ako sa corridors na ireg at ako lang ang hindi nagbbiochem. Pero pag iniisip ko kung san ako magshift ng course, wala rin akong maisip kasi isang bagay lang naman ang gusto ko sa buhay ko eh - ang maging magaling na doktor, wala nang iba. Pero naisip ko rin, kung hindi madali sa'kin yung path ng pagiging doktor, bakit ko pa ipipilit?
Hindi ko alam kung kailan ako magkakaroon ng lakas ng loob para sabihin sa parents ko yung about dito so it means din na hindi ko rin sigurado kung mageenrol pa ba 'ko next sem o hindi na. Bahala na si Lord, hindi naman Niya 'ko hahayaang mapariwara. Pero ittake ko na rin itong opportunity na ito para sabihin sa inyo lahat ng gusto kong sabihin.
I thank you Agatha, Bernadette, Wilma and Gilda for all the wonderful things we've shared together. Im crying right now kasi there's no assurance nga na makikita ko pa kayo next sem. Alam kong maraming naging tampuhan at misunderstanding between some of us pero alam ko rin na yung mga tampuhan at misunderstanding nating iyon ay naging way para maging stronger tayong lima. Imaginin niyo naman halos tatlong taon na rin tayong magkakasama. I thank God kasi He gave me the opportunity to meet you. Masaya ako sa barkada natin kasi we're five different (unique) people na naging magkakaibigan sa kabila ng mga differences nating iyon. And im happy kasi though di natin alam kung san at anung bagay ba yung pinagkakapareho natin, masasabi kong nagc-click pa rin tayo sa maraming bagay. Kaya nga tayo friends, eh! Andito lang ako. Alam niyo naman yun. I love you and take care always! I hope someday matupad natin yung ating hospital!

...and Bernadette... of course i'll be there sa debut mo! i love you all!

P.S.
Pls keep this as a secret. Ayoko lang na mapagusapan ako dahil sa pagkakabagsak ko sa org chem. Feeling ko kasi talaga, ako lang lagpak dun.
God bless and thank you!
it's not about making different reminders constantly sticking on your wall.. it's not about making rules in yourself..khit n mdami kng gngwang rules you should always take in consideration ung sarili mo kasi higit kanino man mas kilala mo sarili mo.mas alam mo ung time mo at mas alam mo ung capacity mo.if malalaman lng ng parents mo mga stress mo hay masasad sila..e minsan p naman iniistress mo sarili mo kasi ayaw mo silang mahurt..mas nkakasad sa part nila un joan.. kasi bka maisip nila n imbes n masuportahan k nila e mas dumadagdag p sila sa problem mo..alam naman naming lhat n mhal n mhal mo parents mo..mahal n mahal kdin nila kaya if ever n malaman nila mga nangyayare sayo everytime nsa skul tayo mgiging malungkot sila..kaya wg k ng mlungkot. tell them everything. oo mgtatampo sila pero parents m parin sila. explain them everything..kilala k nila and i think hndi nila mgagawang mgalit sayo kasi nkikita naman nila ang mga hirap mo.stop hurting yourself instead look at the brighter side
kung uulitin mo ung both subjects.. mas maiintindihan mo at malamang sa biochem at biosem you may be one of the best !!diba?! kung master mo n un edi wala ng problemasuper good mo kaya in terms of comprehending kasi ikaw ung tipo ng tao n hndi ka aalis s isang topic unless hndi mo naiintindhan..super inaadmire ko ung guts mo pti ung will mo s pagaaral...just be happy joana. it all happens for a reason
ako problemado pumasa nga ko ng orgchem ay potek wla naman akong naintindihan goodluck sa biochem haynakopo!please joana smile
mkikita mo rin ung courage n masabi yn sa parents mo. you just need to accept what happen and think of what you can do to make it better..iloveu joana
dito lang kami -gilda 
Joan. Ngayon ko lang nabasa ng buong buo message mo.
Sobrang iyak ako ng iyak all through out.
SMAYL NAMAN JAN!
SANA NGA JOANA NAIINTINDIHAN MO KO (grabeh 3:30 na ng umaga... di ko na 'to ipuproof read hehe) MAGPASALAMAT TAYO KAY GOD JOANA DAHIL MAHAL NIYA TAYO. gudmornayt.
smile first 

wait lang.
and reflect kung ano na ba talaga nangyayari at mangyayari..pag ppray ko na sana tama mga desisyon mo,.wag ka basta basta magdecide na di mo kaya,.try nd try nga di ba until you succeed?
bangon ka lang ulit.dapat ung drive na gusto mo matuto nandun.
focus rin tapos sunog kilay talaga siguro kung kelngan, find ulit your inspiration, your goal, hanapin mo ulit kung bakit ito ang gusto mo at panindigan mo un,.find the right direction.
joan, kaya mo yan,. think and feel kung bakit mo toh ginagawa, di ba para sa parents mo at for yourself also,.wag mo kakalimutan sarili mo,.kung panay iba lagi inuuna mo, di rin maganda masyado un, know how to love yourself din.
kung may want ka gawin mo joan, i act mo,.alam ko napaka prayerful mo at malakas faith mo kay God pero syempre tayo pa rin gagawa ng mga gawa, nandyan si God to be our support.
be time conscious rin, dapat madevelop mo na good and right time management, know your priority din dapat, and be very very productive of your time.
gusto ka naming kasama grumadweyt,.maraming malulungkot pag wala ka..wala na makakapag pa tawa at smile sa amin..wala ng hyper,.haaaaay. pero kung ano man mangyare nextsem,.sana joan don't push yourself too hard, kaw may alam kung talagang kakayanin mo un..mahirap talaga pero kakayanin di ba.
iiyak mo lang yan, ok lang malungkot.basta after nyan, do something, don't deprive yourself of things na dapat naman naeexperience natin, bata pa tayo, marami pa darating na mga pagsubok, at tuwing nalalampasan, lumalakas tayo at natututong i handle at harapin mga to.live your life joan, marami ako natutunan sayo at alam ko marami pa ako matututunan, marami ako narrealize at thank you, di lang halata joan pero thankful talaga ako sa mga natututunan ko at narrealize ko dahil sayo,
kung ano man mangyare nextsem, syempre di mawawala bonding moments natin, hindi dahil iba sched mo di na tayo magkakasama,.naku,.kaw talaga joan oh..mamimiss ka talaga namin pag wala ka sa class,.haaay
nandito lang kami at wag mo kakalimutan na love ka namin
Godbless
-wilma

Grabe, puro iyak na lang ginawa ko sa tapat ng computer! Haaayyy thank God I have great friends! Habang inilalagay ko ang lahat ng ito dito sa blog, paulit-ulit ko ring binabasa. Aminado akong mabigat pa rin sa loob kong papasok ako sa sunod na sem nang nakikitang napag-iwanan ng aking mga blockmates. Patuloy silang makikipagsapalaran habang ako, pansamantalang matitigilan dahil kailangan kong itama yung nagawa kong mali --- Ang ipasa ang lagpak kong subjects! Mahirap sa akin lalo pa't physically, maaaring wala akong makaramay. Di ko nga rin lubos maisip kung saang klase ako papasok, kung sinong prof at kung paano ko maiintindihan at mamahalin ang organic chemistry gayong hindi ko talaga gusto ang subject. Pero siguro nga mabuti na rin at nangyari ito sa'kin, tama rin ang mga kaibigan ko. I have to be strong sa kabila ng lahat. At para saan pa nga ba ang pagiging Kristiyano ko kung iisipin kong ako lang ang mag-isa sa labang ito. Siyempre, karamay ko Siya sa lahat ng oras. At hindi naman mangyayari ito kung hindi magbubunga ng maganda. Isa pa, dahil sa pagkabigo kong ito, nabuksan ang isip ko sa maraming realizations. Na-realize ko na maigi rin na ngayon na ako bumagsak kaysa sa fourth year ko pa ulit ito maranasan. Kumbaga, ittake ko nalang ito as an early warning from God na kaunting katamaran lang, masobrahan lang ako ng kahit isang minuto sa tulog, malaking epekto na sa'kin --- less time for study, pressure and lack of preparation! Dahil din dito nagkaro'n ako ng drive for biochemistry at pinapangako ko sa aking sariling kakayanin ko ang medicine lalo pa't isasapuso ko ang biochem. Kaya ko ito, dahil alam ko na ngayon na kahit inakala kong mapapariwara na ako at na wala nang direksyon ang buhay ko, lahat ito ay akala lamang. Ngayon, masmatatag na ako at maskumpyansang kakayanin ko kahit ano pa dumating sa buhay ko. To God's will, I submit myself. :)
| What do you think? |
irregular student times ten to the negative twenty-third power!
Felice let's help each other. You're the only one i've got. ikaw lang sinabihan ko.
nung una akala ko ako lang din e. pero marami tayo.. tapos ung iba bagsak din.. hindi lang ikaw dear :")saka. wag mung isipin un gagawa tayo ng paraan para makasabay sa kanila. feel ko marami din bumagsak dun hindi lang nila sinasabi. kaya wag ka magalala. dun sa 3rd yr bio.na page may nagcomment dun na estudyante hindi ko lang alam kung anun g section pero nagahhanap din siya nung sa orgchem katulad mu. kaya hindi ka nagiisa. wag mung iisipin na sooobrang malalate ka. mahahabol mu yun. mahahabol natin un. at magclassmate padin tayo. cheer up kana. wag ka sad.
kaya natin to 
alam mo ba felice, ni hindi pa alam ng parents ko. tiyak kasi patay na ko! :((((
wag ka magaalala maiintindihan un ng magulang mo. alam nila na nagaaral ka ng mabute. akala ko nung una ako lang bagsak samin kasi ambaba ko e. si jemma bagsak din compa lec ata? un ung pagakaksabi niya e.
sa parents mu.. maiintindihan nila un. hindi lang nmn ikaw ang ganito diba. marami tayo ang masama kung ikaw lang. e hindi naman. kaya okay lang yan. at magiging okay din ang lahat 
bagsak ako sa orgchem lec at biostat AT hanggang ngayon di ko pa rin sinasabi sa parents ko :(((



Bea:
bakit advising pa lang ang 26? diba 24 enrolment na joana? art app at marriage and family.
bea salamat ah super.. gumaang pakiramdam ko nung nakausap kita
nakita ko sabi ni irvin offered daw compa sa microbio next sem sa 3mb dawBea:
ahahax! ngek. ako ewan ko nakakawala kasi ng pagasa. bakit may compa ang mb joana?Ako: wag ka mawalan ng pagasa ewan nakikibasa lang ako ng mga comment sa group natinBea: hay joana. bahala na lang kung anong mangyari basta makagraduate joana.
Ako: yes marmy bahala nalang basta maka gradweyt tayo. may ishare ako sayo para malift ang hopes mo
kasi ako lahat ng bagay inaacknowledge ko yung character ni God. Siya yung bahala sa buhay ko, alam kong biibigyan Niya ko ng direction. sabi nga niya dba sa jeremiah 29:11
"For i know the plans i have for you," declares the Lord "plans to prosper you, never to harm you. plans to give you hope and a future".- palagi kong pinaghahawakan yung pangako niyang yun until nung oct 15 nung nakita ko yung grades ko, naisip ko na i dont have direction at na sobrang mapapariwara na ko. kasi i cant even think kung may maganda pang future ahead of me. ang gusto ko lang ay grumadweyt on time pero parang naging imposible sa isang iglap.
and sad to say, na lessen yung faith ko. for two days ayoko nang magtiwala sa kanya pero kanina lang narealize ko na may purpose why everything happened and i believe na kahit ano pang sakuna o trial ang dumating, may pupuntahan at punpuntahan pa rin tayo. we may never know where or what pero pangako ni Lord yun satin, hindi Niya tayo bibiguin.
and that's why im thanking u marmy kasi akala ko talaga ako lang magisa.. then nalaman kong may karamay pala ako.. ikaw, si anton, si ate rox... ang buong b7. kaya natin ito sa totoo lang. this happened because we have to be stronger this time.
- Bea: MARAMING SALAMAT JOANA!
magtutulungan tayo!!!!!!!!!!!!!!! Ako:
yes marble magtutulungan tayo! the best ako, remember?? hehe joke! eto na naman ako sa joke time ko haha magtutulungan talaga tayo bea! :)Bea: maraming salamat joana! bilib talaga ako sa iyo hindi ka nauubusan ng pag-asa!
Ako: nauubusan din bea.. kaso kasi kailangan din natin isaisip at isapuso na di naman gagawa si God ng isang bagay na hindi magpapatatag o kaya magpapabetter sa pagkatao natin. bea we have God to comfort and strengthen us
Bea: bilib rin ako sa faith mo joana!
Ako: ganun talaga pag maganda
hehe ayan nakaka smile na ulit tayo ah! wag na tayo ma sad! hehe icomfort natin ang ating mga sarili :))Bea: super thankyou ulit joana! ikaw lang naman talaga inaabangan ko sa b7. ikaw lang nakakapagpasaya sa akin dun.
Ako: aww thank you bea! huhu pinaiiyak mo ako ulit hehebea, nagtext mom ko, pauwi na sila.. so i guess i have to go.. thank you for everything din! pinagaang mo ang nararamdaman ko marble and i pray na both of us will be strong to face whatever it is na dumating sa college life.. third yr na tayo, malapit na malapit na tayong magtapos and i know na kaya natin ito! God bless us marble! mwah

Bea: ingat ka palagi joana! maraming salamat sa lahat!
keep inspired!
Ako: yes bea ingat din! marble text text tayo sa 24 at 26 at 27 ah!- At ang naturang conversation namin ng isa sa mga pinakamatatalik kong kaibigang si Victor.
- Ako: Victor :((((( dami kong bagsak!!! :((((((((((((((((((((((((((((((((((((((((((((
Kaya mo yan. Failure is just another way of God saying that we can still be stronger than we already are.
Ako:
victor di ko masabi sa parents ko. kagabi literal na paputol-putol tulog ko tapos pagnagigising ako, umiiyak ako... di ko alam kung ano gagawin ko. gusto ko grumadweyt on time. frst time ko bumagsak ng may pre req yung subject. di tuloy ako makakapag biochem next sem :((Gusto mo samahan kita when you enroll? >:(<
Ako:
aww talga victor? :(( anu gagawin dun sa waiver? may orgchem ba na pwede itake next sem?
Ask your blockmates who've gone through it.
Biosem is thesis. 
Failure is just another way of God saying that we can still be stronger than we already are.
Bio nga fave subject mo nung HS eh >:(<
Maybe God is saying be better than your personal best. >:(<
My opinion is to continue.
Stay in UST.
Do what you can to finish what you have started.
>>>>>:(<<<<<
You need to rise above and accept the challenge at hand.
Ako:
kinausap ko na mga classmates ko. walang bagsak sa orgchem. marami stat at compa.
Would it hurt to try?
-orgchem
-biochem
-biochemlab
-biosem








Ikaw lang ba tlga sa inyo?
and pls victor pray for me. kailangan ko ng prayers! sana maging strong ako.| What do you think? |